Takbo para iligtas ang Manila Bay kasado na
MANILA, Philippines - Ang paglilinis ng mamamayan sa Manila Bay ay bibigyang-diin ng mga tatakbo sa Manila Bay Clean-up Run na gaganapin sa ika-13 ng Hulyo.
Mahigit kumulang sa apat na libo ang inaasahang sasali, sa iba’t ibang dibisyon ng 3K, 5K, 10K, at 21K sa panlalaki at pambabae.
Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategoriya -- P21,000 sa first-placer ng 21K run, P10,000 sa 10K winner, P5,000 sa mangunguna sa 5K run, at P3,000 para sa 3K winner.
Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Land Bank, katuwang ang TM, 7-11, Summit Mineral Watter, Hapee Toothpaste, Cobra Energy Drink, 2Go, at M.Lhuillier. Itataon din ito sa ika-75 anibersaryo ng DZRH, ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa Pilipinas.
- Latest