^

PSN Palaro

Maaksyon ang sagupaan ng Argentina, Germany sa Finals

Pilipino Star Ngayon

BRAZIL--Ang magkaibang istilo ng paglalaro ng Argentina at Germany ang nagtitiyak na magiging klasiko ang kanilang pagtutuos para sa FIFA World Cup title.

Sumabak agad sa pagsasanay noong Huwebes ang dalawang bansa para mapatatag ang hangaring pagbulsa ng kampeonato sa pinakaprestihiyosong kompetisyon sa football.

Galing sa 4-2 penalty shootout panalo ang Argen­tina laban sa Netherlands sa semifinals at ma­a­aring madagdagan ng isang manlalaro ang koponang pinangu­ngunahan ni Lionel Messi sa katauhan ni Angel Di Maria.

Si Di Maria ay nakasama sa training ng koponan na senyales na maayos na ang kanyang thigh injury.

“We have to win and it doesn’t matter if we play well or not,” pahayag ng Argentinan striker na si Sergio Aguero na kagagaling din sa muscle strain injury.

“This is the game we have all wanted to play since we left Buenos Aires, and against an aggressive and tough opponent,” dagdag nito.

Tunay na matibay na ka­laban ang Germany ma­tapos ang 7-1 pagdurog sa host Brazil sa kanilang semis match.

Makakasama rin ng Germans ang defender na si Mats Hummels matapos sumailalim sa pagsusuri sa kanyang tuhod na nasaktan dahilan para lisanin niya ang laro sa Brazil sa second half.

Pangunahing pagtutu­unan ng Germany ay ang pagdepensa kay Messi para makuha ang ikaapat na World Cup title.

“We’ve also got a plan. But we’re not going to reveal that here to you,” pahayag ng assistant coach ng Germany na si Hansi Flick sa mga mamamahayag.

ANGEL DI MARIA

BUENOS AIRES

HANSI FLICK

LIONEL MESSI

MATS HUMMELS

SERGIO AGUERO

SHY

SI DI MARIA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with