^

PSN Palaro

Gilas reresbak sa Chinese Taipei

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Gilas natio­nal team na maipaghiganti ang pagkatalong ipinalasap ng Chinese Taipei no­ong nakaraang taon sa pagbubukas ng kampan­ya sa 5th FIBA Asia Cup ngayon sa Wuhan, China.

Ito ang unang laro ng koponang hawak ni coach Chot Reyes sa Group B at nais niyang maipaghiganti ang 79-84 pagkatalo sa Taiwanese team noong naglaban sa group stages sa 2013 FIBA Asia Men’s Championship sa Pilipinas.

Hindi naman ito magi­ging madali matapos magpasiklab ang Chinese Taipei nang durugin ang Jordan, 85-63, sa pagsisi­mula ng kompetisyon ka­hapon.

Ang Jordan ay hawak ni dating Gilas coach Raj­ko Toroman pero hindi niya nagawan ng paraan na pigilan ang naturali­zed player ng Taipei na si Quincy Spencer na may 21 puntos at 17 rebounds.

Si Marcus Douthit ang mamumuno sa Pilipinas at makakasama niya sina Ranidel de Ocampo, LA Tenorio, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Gary Da­vid, Beau Belga, Paul  Lee, Jared Dilinger, Jay Wa­shington, Garvo Lanete at Kevin Alas.

Maliban kina Lanete at Alas, na kasapi ng Cadets, at Washington, ang ibang manlalaro ay ginagamit ang kompetisyon bilang bahagi ng paghahanda para sa pagsali sa FIBA World Cup sa Spain sa Agosto.

Ang mata ay nakatuon din kay Douthit na noong 2011 ay nasa Wuhan at tinulungan ang Pilipinas na makarating sa semifinals sa FIBA Asia Men’s Championship.

Ito ang unang kompetis­yon ni Douthit matapos ang FIBA Asia Men’s Championship na kung saan tinamaan siya ng calf injury.

“My body feels great. A little sluggish from not pla­ying, but I’m sure it will take no time for me to get back where my teams needs me to be,” wika ni Douthit sa panayam ng fibaasia.net.

Ang Jordan at Singapore ang kukumpleto sa grupo at classification lamang ang mangyayari sa apat na koponang magkakasama dahil nakatiyak na ang mga ito ng puwesto sa knockout quarterfinals. (AT)

vuukle comment

ANG JORDAN

ASIA CUP

ASIA MEN

BEAU BELGA

CHINESE TAIPEI

CHOT REYES

DOUTHIT

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with