^

PSN Palaro

Uichico sa Texters, Black sa Bolts

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aakto si Jong Uichico bilang head coach ng Talk N’ Text, habang lilipat naman si Norman Black sa Meralco at magiging assistant si Jojo Lastimosa ni coach Boyet Fernandez sa NLEX.

Ito ang mga bagay na gagawin ng MVP Group bosses matapos ang nakadidismayang kampanya ng Talk N’ Text Tropang Tex­ters at ng Meralco Bolts sa 39th PBA season.

Tinapos ang season nang walang naipanalong korona matapos ang apat na taon, nagdesisyon ang MVP Group na galawin ang kanilang mga koponan.

Hanggang kahapon ay wala pang pormal na direktiba para lumipat si Uichico bilang head coach ng Talk N’ Text at ang pagpunta ni Black sa Meralco.

Gagawin naman si Ryan Gregorio, ang bench chieftain ng Meralco sapul nang bilhin ang Sta. Lucia franchise noong 2010, bilang alternate representative sa PBA board.

Siya rin ay assistant vice president at head ng Meralco Sports and Youth Advocacy matapos lumipat mula sa Purefoods.

Magpupulong ngayon ang mga MVP Group bosses para sa pagbuo ng coaching staff nina Uichico at Black.

Inaasahang mananatili si Ronnie Magsanoc sa Meralco, habang nakabitin naman ang mga trabaho nina Talk N’ Text assistant coaches Sandy Arespacochaga at Gene Afable.

Si Fernandez ang top choice para igiya ang NLEX.

Tatalakayin din ang gagawin sa pagbuo ng koponan ng NLEX habang minamandohan ni Fernandez ang San Beda bench sa NCAA. Makakasama ni Fernandez sa NLEX sa PBA mula sa D-League sina deputies Adonis Tierra at Raymond Celis at Lastimosa.

ADONIS TIERRA

BOYET FERNANDEZ

FERNANDEZ

GENE AFABLE

JOJO LASTIMOSA

JONG UICHICO

MERALCO

MERALCO BOLTS

MERALCO SPORTS AND YOUTH ADVOCACY

TALK N

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with