^

PSN Palaro

Brazil ‘di basta-basta bibigay kahit wala si Neymar vs Germany

Pilipino Star Ngayon

BELO HORIZONTE, Brazil--Malaki ang paniniwala ng Brazil star na si Neymar na hindi makakaapekto ang kanyang pagkawala para magtagumpay ang nasabing bansa sa FIFA World Cup sa kanilang lugar.

 Nabalian ng isang vertebra sa lower back si Neymar sa laro sa quarterfinals laban sa Colombia upang mapahinga na siya sa taong ito.

Nanghihinayang ang 22-anyos striker dahil pinangarap niya na makalaro sa World Cup Final bagay na hindi mangyayari sa taong ito.

“I won’t be able to fulfill the dream of playing in a World Cup final, but I’m sure they will win this one, they will become champions and I will be there with them and all of Brazil will be celebrating together,” pahayag nito.

Kalaban ng host country ang Germany para makuha ang isang upuan sa championship.

Pero hindi maiwasan na magtanong ang mga pa­natiko ng Brazil kung sino ang pupuno sa puwestong iiwan ni Neymar.

Wala pang magandang ipinakikita si Fred at Hulk na  naunang ipinalagay na may mga malaking papel na ga­gampanan sa kampanya ng Brazil.

Hindi rin makakasama ng koponan ang team captain na si Thiago Silva na nakuha ang ikalawang yellow card sa huling laro para sa awtomatikong one-game suspension.

Ito pa lamang ang ikalawang pagtutuos ng Brazil at Germany sa World Cup at nanalo ang host noong 2002 sa 2-0 iskor.

Di hamak na mas beterano ang mga Germans dahil nasa ika-13 pagkakataon na nasa semis na sila at pitong beses na pumasok sa final at tatlo rito ay kanilang pinagharian.

Ang mananalo sa larong ito ang siyang makakalaban ng magwawagi sa pagitan ng Argentina at Netherlands sa Linggo.

 

KALABAN

LINGGO

MALAKI

NABALIAN

NEYMAR

THIAGO SILVA

WORLD CUP

WORLD CUP FINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with