^

PSN Palaro

Gumabao bumandera para sa Flying Spikers

Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines   -- Hindi halatang ha­los dalawang buwan na hindi nakapaglaro si Mi­chelle Gumabao.

Binigyan ni Gumabao ng ningning ang kampan­ya ng AirAsia matapos tu­lungan ang koponan sa 25-23, 19-25, 25-19, 25-23 pag­gupo sa bigating Petron sa 2014 PLDT Home-Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament noong Sa­bado rito sa University of San Carlos gym.

Tumapos si Gumabao na may 3 points, ngunit gumawa naman ng mga bagay para sa Flying Spi­kers para manalo.

“Thumbs-up ako kay Mi­chelle,” sabi ni head coach Ramil de Jesus kay Gu­mabao, ang dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player na hin­di nakita sa limang laro ng AirAsia dahil sa kanyang pagsubok sa show business.

Nakalapit ang Flying Spi­kers sa isa sa dalawang outright semifinal berths sa women’s division ng tor­neong suportado ng of­ficial airline na AirAsia ka­tuwang ang Gilligan’s Res­taurant, Healthway Me­dical, PLDT Home DSL, Cig­nal, Solar Sports, Mika­sa, Asics, Mueller, LGR, Pe­tron, Bench at Generika.

Katala ng koponan sa isang three-way logjam ang Generika Army at RC Cola-Air Force sa itaas ng team standings sa magkakatulad nilang 4-2 win-loss card.

Nalaglag naman ang Pe­tron sa ikalawang pu­wes­to mula sa kanilang 3-2 marka.

Kailangang ipanalo ng tropa ang kanilang laro sa Cignal HD sa Miyerkules pa­ra buhayin ang tsansa sa semifinals.

Binanderahan ni team skipper Cha Cruz ang Air­Asia sa kanyang 13 sma­shes para sa kabuuang 19 points, habang nagdagdag si Stephanie Mercado ng 14 markers para sa Flying Spi­kers.

Pinamunuan si Dindin Santiago, ang top overall pick, ang Blaze Spikers sa kanyang 15 kills para sa kabuuang 17 points.

 

ALL-FILIPINO CONFERENCE

BLAZE SPIKERS

CHA CRUZ

COLA-AIR FORCE

DINDIN SANTIAGO

FLYING SPI

GENERIKA ARMY

GUMABAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with