^

PSN Palaro

HD Spikers hiniya ang Active Smashers sa Cebu

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules

(Cuneta Astrodome)

2 p.m. Cignal vs Petron (Women’s)

4 p.m. Systema vs IEM (Men’s)

6 p.m. Cignal vs Via Mare (Men’s)

 

CEBU, Philippines -- Bumangon ang Cignal mula sa kabiguan sa first set para kunin ang 21-25, 25-19, 25-23, 25-23 panalo kontra sa Systema sa 2014 PLDT Home-Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament kahapon dito sa University of San Carlos gym.

Si Cebuano hotshot Mike Abria ang kumamada para sa ikaapat na panalo ng HD Spikers sa anim na laro sa men’s division ng inter-club tournament na suportado ng official airline na AirAsia katuwang ang Gilligan’s Restaurant, Healthway Medical, PLDT Home DSL, Cignal, Solar Sports, Mikasa, Asics, Mueller, LGR, Petron, Bench at Generika.

Tumapos si Abria, ang hard-hitting spiker buhat sa University of the Visayas, na may 11 points.

Ang kanyang matutulis na kills ang gumiba sa depensa ng Active Smashers.

Nagtala si Howard Mojica ng 15 kills para sa kanyang 18 points, habang nagdagdag si Edmar Sanchez  ng 12 para sa HD Spikers.

 Matapos isuko ang first set, nakabangon ang HD Spikers para angkinin ang second at third sets.

Sa fourth set ay nag-init naman si John Depante para ilapit ang Systema sa 23-24.

Ang kill ni Abria ang sumelyo sa tagumpay ng Cignal.

 

ABRIA

ACTIVE SMASHERS

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CIGNAL

CUNETA ASTRODOME

EDMAR SANCHEZ

HEALTHWAY MEDICAL

HOME-PHILIPPINE SUPERLIGA

HOWARD MOJICA

SYSTEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with