^

PSN Palaro

Petron Blaze, AirAsia magpapasiklaban sa Cebu

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(USC gym, Cebu City)

4 pm  Systema

vs Cignal (Men’s)

6 pmAirAsia vs Petron (Women’s)

 

MANILA, Philippines - Matapos maunsiyami ang hinangad na awtomatikong puwesto sa cham­pionship round, palalakasin ngayon ng Petron Lady Blaze Spikers ang paghahabol sa isa sa dalawang pu­westo sa semifinals sa pagharap sa AirAsia Flying Spikers sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa University of San Carlos gym sa Cebu City.

Tiyak na mag-uuma­paw ang palaruan ng mga manonood matapos ideklara ni PSL at Sports Core president Ramon ‘Tats’ Suzara na sold-out ang mga tickets na ibinenta para sa kauna-unahang out-of-town game ng liga na handog ng PLDT Home DSL.

“We did not expect this kind of reception from the PSL fans,” wika ni Suzara na balak ngayon na magdaos pa ng laro sa Cebu sa hinaharap.

Ang tagisan ng Lady Blaze Spikers at Flying Spikers ay siyang tampok na laro matapos ang pagtutuos ng Systema at Cignal sa men’s division sa ganap na alas-4 ng hapon.

Tubong Cebu sina Mike Abria, Emmanuel Luces, Kenboy Abunda at Joel Villonson ay mga Cebuano ng Cignal pero hindi pahuhuli ang suporta ng Systema dahil sa paglalaro ni Richard Gomez.

Nakita ng Petron na natapos ang tatlong sunod na panalo nang natalo sa straight sets sa two-confe­rence champion Generika-Army Lady Troopers sa  huling laro.

May 3-1 karta ang Lady Blaze Spikers at kailangan nilang manalo para manatiling nakaangat sa pitong koponang liga.

Ang paglasap ng ika­­lawang pagkatalo ay magreresulta sa four-way tie sa unang puwesto sa 4-2 baraha kasama ang AirAsia at mga pahingang koponan na RC Cola-Air Force Rai­ders at Lady Troopers. (AT)

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CEBU CITY

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAI

EMMANUEL LUCES

FLYING SPIKERS

GENERIKA-ARMY LADY TROOPERS

LADY BLAZE SPIKERS

SYSTEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with