France, Germany do-or-die sa World Cup quarterfinals
PORTO ALEGRE, Brazil--Mga goals sa huling mga minuto ng laro ang sinandalan ng Germany at France para itakda ang pagkikita sa quarterfinals sa 2014 World Cup dito.
“You don’t have to play fantastic every match,” wika ni German coach Joachim Loew sa 2-1 extra-time panalo kontra Algeria.
Walang nakaiskor sa naunang 90-minutong tunggalian bago nakasilip ng butas sa depensa ang German substitute na si Andre Schuerrle sa 92nd minute.
Inangkin ni Mesut Ozil ang ikalawang goal ng Germany sa 120th minute para maisantabi ang injury time goal ni Abdelmoumene Djabou para sa Algeria.
Ito ang ika-siyam na sunod na World Cup na maglalaro sa Last 8 ang Germany at makakaharap ng three-time champion (1954, 1974, 1990) ang France na dinaig ang Nigeria, 2-0.
Isang header mula kay Paul Pogba sa huling 10-minuto ng labanan ang bumasag sa kawalan ng iskor ng laro.
Nadisgrasya pa ang Nigeria dahil sa sariling goal mula kay Joseph Yobo na tinangkang pigilan ang pag-atake ni Mathieu Valbuena sa 92nd minute.
Ito ang ikatlong pagkakataon sa huling limang World Cup na nakapasok sa quarterfinals ang France at hanap ng koponan na mapantayan ang pagiging kampeon noong 1998 at runner-up noong 2006.
- Latest