^

PSN Palaro

Torres kumuha ng ginto sa Inter-City

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbunga ang masin­sinang pagsasanay na gi­nawa ni Marestella Torres sa huling apat na buwan nang kunin ang ginto sa long jump sa Hong Kong Inter-City Athletics Championships na ginawa noong Sa­bado sa Tseung Kwan O Sports Ground, Hong Kong.

Ang 33-anyos na SEA Games record holder sa event sa 6.71 metro marka ay nagtala ng pinakamala­yong lundag na 6.26m sa ika­limang attempt para ma­i­santabi ang hamong ha­tid ng mga Taiwanese jum­pers na sina Wang Wu Pin at Chu Chia Ling na nalagay sa ikalawa at ikat­long puwesto sa nilundag na 6.19m at 5.91m marka, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang SEA Games gold medalist sa de­cathlon na si Jason Cid ay naghari sa kanyang paboritong event sa Malaysia Open noong Biyernes.

Nakakuha si Cid ng ka­bu­uang 6736 puntos ma­tapos ang 10 events para manalo sa mga Malaysian athletes na sina Mohd Faizal Mustapha (6276) at Mohd Aidil Ali (5759).

Ito ang unang kompetisyon ni Torres sa halos dalawang taon at apat na buwan dahil noong Enero ay ipinanganak niya ang ka­nilang unang supling  ni shot put athlete Eleazar Su­nang.

Si James Lafferty ang si­yang kumuha kay Torres at tumustos sa gastusin ng two-time Olympian dahil inalis siya sa talaan ng mga atletang sinusuportahan ng PSC bunga ng pamama­hinga sa kompetisyon.

Naunang tinangka ni Torres ang maabot ang 6.40m marka.

 

CHU CHIA LING

ELEAZAR SU

HONG KONG

HONG KONG INTER-CITY ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

JASON CID

MALAYSIA OPEN

MARESTELLA TORRES

MOHD AIDIL ALI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with