US gagawa ng pagbabago sa knockout stage
SAO PAULO--Kailangan ng US na patingkarin ang kanilang atake para umabante pa sa knockout round sa 2014 World Cup sa Brazil.
Lumabas sa istatistika matapos ang group stages na ang US ay mayroong 72 attacks lamang upang mahigitan lang ang Costa Rica na siyang nangungulelat sa departamento sa 32 koponang kasali sa 69 attacks.
Nangulelat ang US kung pag-atake sa kaliwa ang pag-uusapan (29) at katabla ang Iran sa huling puwesto kung ang bilang ng pag-atake naman mula sa center ang titingnan (29).
“The first minutes of the game, impose yourself, step on their toes a bit, and get in their face,” wika ni midfielder Graham Zusi.
Natalo ang US sa Germany, 1-0, sa huling laro sa Group G, para makatabla ang Portugal sa ikalawang puwesto.
Ngunit may zero goal difference ang US kumpara sa negative 3 ng Portugal para magpatuloy ang laban sa torneo.
Inihayag ni US coach Jurgen Klinsmann ang planong baguhin ang formation na 4-2-3-1 na kanyang ginamit sa huling dalawang laro.
Si Cllint Dempsey ang siyang natatanging striker na ginagamit ni Klinsmann at kailangan niya umanong dagdagan ang panuporta sa nasabing manlalaro para mas lumalim ang kanilang opensa.
“We have to bring up the players higher up and create chances to get more support for Clint and come down the line more often on the sides,” pahayag pa ni Klinsmann.
- Latest