^

PSN Palaro

Mainit agad ang simula ng Red Lions at Stags

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(San Juan Gym)

12 nn Jose Rizal U vs San Beda (Jrs.)

2 p.m.  San Sebastian vs Letran (Jrs.)

 

MANILA, Philippines - Sinandalan ng San Beda ang lakas ni Ola Adeo­gun habang ang husay ng mga guards ang kinapitan ng San Sebastian para manalo ang mga ito sa pagsisimula ng Season 90 NCAA men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumapos si  6’7  Nigerian center Adeogun taglay ang 20 puntos at 14 rebounds at 10 rito ay ginawa niya sa ikatlong yugto para igupo ang host Jose Rizal University sa 57-49 panalo.

Ang pananalasa ni Adeo­­gun ay nakatulong para lumobo sa 15 puntos, 46-31, ang bentahe ng Lions na balak ang makasaysayang five-peat sa liga.

“Credit to Ola, he rea­l­ly played well in the third period. But we also played good defense that helped us win this game,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Si Kyle Pascual ay mayroong siyam na puntos at anim rito ay nangyari sa unang yugto para hawakan agad ng Lions ang 14-11 kalamangan.

Sina CJ Perez at Jamil Ortuoste ang nagsanib sa matinding opensa ng Stags sa huling yugto upang mailusot ang 85-83 panalo sa Letran Knights sa ikalawang laro.

Walo sa kanyang na­ngungunang 20 puntos sa laro ang ginawa ni Perez sa huling yugto habang dalawang krusyal na 3-pointers ang pinakawalan ni Ortuoste upang katampukan ang 25-13 palitan na nagbangon sa Baste mula sa 60-70 iskor sa pagtatapos ng ikatlong yugto. (ATan)

 San Beda 57-- Adeogun 20, Pascual 9, Dela Cruz 8, Amer 6, A. Semerad 4, Abude 3, Mocon 3, Cabanag 2, Tongco 2, Koga 0, Mendoza 0, D. Semerad 0.

JRU 49--Paniamogan 12, Lasquety 9, Mabulac 6, AbdulWahab 6, Balagtas 6, Benavides 4, Asuncion 2, Sanchez 2, Teodoro 2, Salaveria 0, Grospe 0, Manuel 0.

Quarters: 14-11, 29-21, 46-31, 57-49.

 San Sebastian 85-- Perez 20, Ortuoste 16, Dela Cruz 15, Yong 9, Fabian 7, Guinto 7, Calisaan 6, Aquino 3, Balucanag 2, Camasura 0.

Letran 83-- Racal 20, Ruaya 13, Cruz 13, Quinto 12, Nambatac 11, Gabawan 8, Calvo 3, Tambeling 3, Castro 0, Saldua 0, Apreku 0, Singontiko 0, Publico 0.

 Quarters: 23-25, 38-41, 60-70, 85-83.

 

ADEOGUN

BOYET FERNANDEZ

DELA CRUZ

JAMIL ORTUOSTE

PEREZ

SAN

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with