Gulpe de gulat
Gaya ng inasahan ay nagpasiklab ng husto ang PaÂgara brothers nung nakalipas na Sabado sa WaterÂfront Hotel sa Cebu City.
Ginulpi at pinatumba ng batang magkapatid na tubong Cagayan de Oro ang kanilang mga kalaban na bumiyahe pa mula Mexico.
Unang pinatulog ni Albert Pagara si Hugo Partida mahigit isang minuto pa lang mula opening bell. Maagang tumumba si Partida at nasundan ito ng standing eight count.
Hiyawan ang mga tao. Gutom lahat sa knockout.
At hindi sila binigo ni Albert na nangako nung kinagaÂbihan na patutulugin niya ang kanyang kalaban. Hindi nagtagal nang muli niyang pinatumba si Partida.
Pabagsak pa lang si Partida sa sahig ay winawagayÂway na ng referee ang kanyang kamay. Natagalan ito bago nakatayo.
Sabi ko nga, may angas si Albert. Pero may ibuÂbuga naman talaga.
Sumunod ang kanyang matandang kapatid na si Jason Pagara laban kay Mario Meraz.
Tumba rin sa first round ang bisita pero nakuhang tumayo at makipag-palitan ng malalakas na suntok. Tumama rin siya ng magagandang suntok.
Sa fourth round ay nayanig si Jason pero nakabawi. Inabutan niya si Meraz na nakasandal sa lubid at pinupog ng malalakas na suntok sa ulo.
Tumba ang kalaban.
Binilangan ng Pinoy na referee pero nakatayo sa bilang ng walo. Akala ko ay tuloy na ang laban ng bigÂlang itinigil ni Danrex Tapdasan ang laban.
Marami ang nagulat. Nakatayo na nga naman si Meraz. Pero isa lang ang referee sa loob ng ring.
Nakita raw ni Tapdasan na blangko ang mga mata ni Meraz at gumewang ito nang utusan niyang maglakad papalapit sa kanya.
Ang decision ng referee: Tama na. Sobra na.
Mabuhay ang Pagara brothers.
- Latest