^

PSN Palaro

Battle of the Grandmasters Torre, Bersamina magkasosyo sa itaas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tinitingala sa chess na sumibol sa magkaibang panahon ang magkasalo sa liderato sa idinadaos na 2014 National Chess Federation Philippines (NCFP) Battle of the Grandmasters sa PSC National Athletes Dining Hall sa  Malate, Manila

Si Paulo  Bersamina, edad 16-anyos at nanalo ng limang ginto sa katatapos na 15th ASEAN Age Group Championships sa Macau at ang 62-anyos  na si  GM Eugene Torre ay nakalikom na ng 4 ½ puntos matapos ang dalawang round ng kompetisyon.

Sinimulan ni Bersamina ang kampanya nang ta­lunin si GM Darwin Laylo sa first round bago bumangon mula sa one-piece down para maitabla ang laban kontra kay GM John Paul Gomez sa second round.

Si Torre na tumabla kay Gomez sa unang laban ay nanalo kontra kay  IM Oliver Dimakiling sa ikalawang laro.

Si Jan Emmanuel Garcia ay may 4 ½ puntos din matapos makihati ng puntos kay Dimakiling at manalo kay Roel Abelgas.

May 11 kalalakihan at si WFM Janelle Mae Frayna ang kasali sa Open division habang 11 na kababaihan naman ang  nagsusukatan sa women’s division.

Sina Queenie Lyn Reyes, Christy Lamiel Bernales at Cherry Ann Mejia ang siyang nangunguna sa kababaihan bitbit ang tig-4 ½ puntos.

Ginagamit ng NCFP ang kompetisyon para maging isa sa basehan kung sino ang mga manla­laro na ipadadala sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway mula Agosto 1 hanggang 15.

Tig-limang manlalaro ang bubuo sa dalawang Pambansang koponan at dalawa na lamang ang bukas sa kalalakihan dahil seeded na sina GM Julio Catalino Sadorra, GM Oliver Barbosa at GM Wesley So.

Si So ay nasa line-up pa dahil hindi pa nagdedesis­yon ang NCFP sa kahili­ngan niya na lumipat ng US federation.

vuukle comment

AGE GROUP CHAMPIONSHIPS

BATTLE OF THE GRANDMASTERS

BERSAMINA

CHERRY ANN MEJIA

CHRISTY LAMIEL BERNALES

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

JANELLE MAE FRAYNA

JOHN PAUL GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with