That’s my boy
CEBU CITY -- Sa kanilang weigh-in nung Biyernes ng tanghali dito ay muntik na magka-salpukan sina AlÂbert Pagara at ang kanyang kalaban mula sa Mexico.
Medyo mayabang kasi ang boksingero mula sa MeÂxico. Idinikit ba naman niya ang kanyang noo sa noo ni Pagara habang sila ay nagtititigan.
Hindi naman uurong ang ating bata at agad na ikiÂ0nasa ang kanyang kamao at itunutok ito sa mukha ni Hugo Partida.
Nagka-girian ang dalawa at naghiyawan ang mga tao na nanood ng weigh-in. Tila gusto na nila mag-upakan sa taas ng stage.
Nakatakda ang laban kagabi sa Waterfront Hotel kung saan paglalabanan nila ang IBF Intercontinental junior-featherweight title.
Matapos ang timbangan ay nilapitan ko si Pagara para tanungin kung ano ang nangyari sa taas ng stage.
“Gusto na yata ma-knockout eh,†sabi niya sa kanÂyang kalaban.
Undefeated ang 20-anyos na si Pagara at nangakong patutumbahin niya si Partida.
“Manood na lang kayo,†sabi niya.
Maari n’yo mapanood ang laban sa ABS-CBN ngayong tanghali at tingnan n’yo kung ano ang ibubuga nitong si Pagara.
Ang kanyang matandang kapatid na si Jason PaÂgara ay nakatakda ring lumaban kagabi sa isa pa ring Mexican boxer na si Mario Meraz
Para naman ito sa WBO International junior-welterweight title na tangan ng ating boksingero, na edad 22.
Hanga ako sa Pagara brothers na ito. At kung maÂgiging impresibo sila rito ay baka ipadala sila ng kaÂnilang mga promoters mula sa ALA Boxing Club sa United States para mag-training dun.
Malayo ang mararating ng dalawang ito.
Pero mas gusto ko ang style ni Albert.
May angas.
- Latest