^

PSN Palaro

Trongco ‘di isusuko ang korona sa pagharap kay Ugbaniel

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ni Re­­nan “Little Pacquiao” Trongco ang mapanatiling suot ang WBC International flyweight title sa pagsukat kay Weiljan Ugbaniel ng Japan na gagawin sa Hun­yo 28 sa The Flash Grand Ballroom sa Elorde Sports Complex, Parañaque City.

Unang pagdepensa ito ng 25-anyos na si Trongco sa titulo na napanalunan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Wang Xin Hua ng China

Bitbit ng tubong Palawan na si Trongco ang 14 panalo sa 18 laban kasama ang walong KOs at may dalawang dikit na panalo ito papasok sa laban.

Ang dalawang dikit na panalo ay pambawi ni Trongco matapos lumasap ng unanimous decision pagkatalo sa kamay ni IBO minimumweight division champion Hekkie Budler ng South Africa noong Peb­rero 16, 2013.

Si Ugbaniel ay tubong Sarangani Province ay may 12 panalo sa 15 laban.

Tulad ni Trongco ay naipanalo rin ni Ugbaniel ang huling dalawang laban kasama ang unanimous decision win sa sixth rounds laban kay Rogen Flores noong Pebrero 22.

Hindi na rin bago para kay Ugbaniel ang lumaban para sa titulo dahil pinagtangkaan na niya minsan ang WBC Youth Intercontinental super flyweight title pero minalas nauwi sa split draw ang laban kontra kay Gabriel Altarejos.

 

ELORDE SPORTS COMPLEX

FLASH GRAND BALLROOM

GABRIEL ALTAREJOS

HEKKIE BUDLER

LABAN

LITTLE PACQUIAO

ROGEN FLORES

SARANGANI PROVINCE

TRONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
11 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with