Saludar pipiliting manalo kay Arroyo
MANILA, Philippines - Pagkakataon na ni Froilan Saludar na maÂpaÂigting ang pagnanasa na mapalaban sa isang world title sa pagsukat kay McWilliams Arroyo ng Puerto Rico ngayon sa Ruben Rodriquez Coliseum sa Bayamon, Puerto Rico.
Ang bakbakan na inilagay sa 12 rounds ay isang IBF title eliminator sa dibisyong pinaghaharian ni Amnat Ruenroeng ng Thailand.
Bakante ang number one at two rankings ng dibisÂyon at ang mananalo ang siyang ookupa sa unang puwesto at siyang makakalaban ng 34-anyos na si Ruenroeng sa kanyang title defense.
Hindi pa natatalo sa 20 laban si Saludar at ang dungis lamang sa kanyang karta ay ang tabla kay Brian Diano noong 2010.
Lahat din ng laban ni Saludar ay ginawa sa Pilipinas kaya’t hamon din sa kanya ang kakayahang harapin ang pressure dala ng mga panatiko ni Arroyo na isang Olympian at 2009 World Boxing Championships gold medalist.
“I will not waste this opportunity. Arroyo is an Olympian and a good and talented boxer and I proÂmise that I will do all my best to win this fight,’ wika ni Saludar sa mga mamamahayag sa Puerto Rico.
Isinagawa ang weigh-in kahapon at si Saludar ay tumimbang sa 111.3 pounds.
Ang Puerto Rican boxer ay pumasok sa eksaktong 112 pounds ang tiyak na ilalabas niya ang bangis ng magkabilang kamao para mapasaya ang mga kababayan.
May 14-1 karta ang 29-anyos na si Arroyo nguÂnit napahinga ito ng 16 na buwan.
Huling salang sa ring ni Arroyo ay noon pang Pebrero 2, 2013 laban kay Miguel Tamayo at tinalo niya ito sa pamamagitan ng fourth round knockout.
- Latest