Mas palaban ngayon ang Blazers - Velasco
MANILA, Philippines - Mas magandang kampanya ang inaasahan ng College of St. Benilde sa kanilang pagsabak sa darating na 90th NCAA senior basketball tournament.
Ito ang positibong paÂÂhayag ni head coach Gabby Velasco para sa Blazers na nanalo lamang ng limang laro sa kabuuan nilang 18 asignatura noong nakaraang NCAA season.
“We’re inspired from that experience,†wika ni Velasco sa St. Benilde, nakalasap ng pitong kabiguan sa first round kung saan natalo lamang sila ng average na 2.7 points.
“We’ve learned so many things from last year. Instead of close loses, who think of it as near-wins,†wika ni Velasco. “Hopefully, we could turn those heartbreaking moments to joys of triumph this season.â€
Nakatakdang magbukas ang NCAA sa Hunyo 28 sa MOA Arena sa Pasay City.
Muling ibabandera ng Blazers sina Juan Paolo Taha, Mark Romero, Jonathan Grey, Roberto Bartolo, Jr., Jeffrey Ongteco, Ralph Deles, Jose Saavedra at Fil-Am Travis Jonson.
Alam ni Velasco na dehado sila pagdating sa labanan sa loob ng shaded lane.
“We will try to make up for our lack of height with speed and rebounding and defending by committee,†sabi ni Velasco.
Sasalang ang St. Benilde sa Hulyo 2 kontra sa Emilio Aguinaldo College sa alas-12 ng tanghali.
Sa pagsisimula ng torneo sa Hunyo 28 ay makakatapat ng four-peat champion San Beda ang Jose Rizal sa alas-1 ng hapon kasunod ang banggaan ng 2013 runner-up Letran at San Sebastian s sa alas-3.
- Latest