^

PSN Palaro

No. 2 spot pag-aagawan ng RC at AirAsia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng RC Co­la-Air Force Raiders at ex­pansion team na AirAsia ang ikalawang puwesto sa wo­men’s division ng 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Con­ference volleyball tour­na­ment ngayon sa Cuneta As­trodome sa Pasay City.

Asahan ang mainitan na tagisan ng Raiders at Flying Spikers na nakalasap ng unang pagkatalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa tulong ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Sa alas-2 ng hapon mag­sisimula ang laro at ma­tapos nito ay sasalang ang apat sa limang koponan sa kalalakihan.

Pag-aagawan ng Systema at IEM ang ikalawang panalo sa alas-4 ng hapon, ha­bang ikaapat na sunod na panalo ang tutuhugin ng PLDT-Air Force sa walang panalong Via Mare sa alas-6.

Natapos ang tatlong dikit na panalo ng Raiders nang hindi napigil ang 6-foot-2 spiker na si Dindin Santiago tungo sa 22-25, 13-25, 24-26 pagkatalo sa kamay ng Petron HD Spikers.

Ang Pet­ron ngayon ang nasa unahan at ang tropa ni head coach Clarence Esteban ang nasa ikalawa sa 3-1 karta.

Kasunod ang Flying Spikers na nakita ang dalawang sunod na panalo na natapos sa 20-25, 25-23, 20-25, 15-25 pagyuko sa two-conference champion na Generika-Army.

Nagkaroon lamang ang Raiders ng 21 attack points (ATan)

AIR FORCE

AIR FORCE RAIDERS

ALL-FILIPINO CON

ANG PET

CLARENCE ESTEBAN

CUNETA AS

DINDIN SANTIAGO

FLYING SPIKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with