OK na si LeBron: Ibabawi ang Heat sa game 2
SAN ANTONIO-- Kung itinakda ang Game 2 ng NBA Finals sa BiyerÂnes ay walang tsansang makapagÂlaro si LeBron James para sa Miami Heat.
Ngunit ang ikalawang paghaharap ng Heat at ng San Antonio Spurs ay sa Linggo.
At plano ni James na maging handa sa laban.
Sa kanyang dinanas na leg cramps at dehydration at ilang ulit na pagpunta sa banyo, iginiit ni James na maglalaro siya sa Game 2 ng NBA Finals.
“I’ll be in uniform on Sunday,’’ sabi ni James. “I should be 100 percent on Sunday. Obviously I’m going to take it light today. Training staff said I should take it light today. Give the body another day to recover. Tomorrow I should be back on my feet full go and I got all day Sunday to get ready for Sunday night.â€
Nang nasa court siya sa Game 1 ay nasa laban pa ang Heat.
Ngunit nang mawala siya sa huling apat na minuto sa fourth quarter ay hindi na rin nakaporma ang Miami.
Angat ng 7 points sa isang bahagi ng fourth quarter, kumulapso ang Heat sa huling apat na minuto at ang biglaang pag-upo ni James dahil sa leg cramps ang dahilan nito.
Kinuha ng Spurs ang 94-92 matapos umiskor si James sa 4:09 minuto bago siya iniupo makaraang hindi makakilos ng 10 segundo.
At mula dito ay tinapos ng San Antonio ang Miami sa pamamagitan ng 16-3 run.
Hindi naman naghaÂnap ng dahilan si Heat coach Erik Spoelstra sa kaÂnilang pagkatalo sa Game 1 sa pagsasabing kailangang ipanalo ng two-time defending NBA champions ang laro nariyan man o wala si James.
“He’s a competitor at the highest level,†sabi ni Spoelstra.
Inamin pa ni Spoelstra na uminom si James ng pitong anti-cramping pills noong Game 1.
- Latest