^

PSN Palaro

Brazil at Argentina posibleng magharap sa World Cup finals - Scolari

Pilipino Star Ngayon

SAO PAULO--Walang nakikitang dahilan si Brazil coach Luiz Felipe Scolari para hindi umabot sa finals ng World Cup ang kanyang koponan.

Dahil sa mataas na ekspektasyon sa kanyang ko­ponan, binanggit pa ni Scolari ang Argentina na siya nilang makakalaban sa kampeonato.

“From our analysis, the final we see happening is Brazil on one side and Argentina on the other,” wika ni Scolari matapos ang training camp sa Rio de Janeiro.

Sa Sao Paulo, Brazil gagawin ang tagisan sa prestihiyosong kompetisyon sa football sa mundo kaya’t kumbinsido ang coach na ang paglalaro sa harap ng mga kababayan ang makakatulong para maging palaban ang host team sa titulo.

“Hopefully that will be the final. It would be a South American final with great players, a lot of quality,” dagdag nito.

Si Scolari ay isang world champion coach noong 20­02, at tiniyak din niya na preparado ang kanyang ko­ponan para magtagumpay sa kompetisyon.

“I have to get Brazil to the Final. After that, whichever team gets there, it won’t really matter. I have to make sure my team is in the final,” wika pa ng Brazilian coach.

Ang pinakamaagang pagtatapat ng Brazil at Argentina sa kompetisyon ay sa semifinals na. Pero kung pa­ngunahan nila ang kanilang mga grupo, sa Finals na sila magsusukatan.

Hindi pa nagtutuos ang dalawang bansa para sa kam­peonato ng World Cup. Pero apat na beses na si­lang nagkaharap sa mga naunang rounds at angat ang Brazil, 2-1.

Nanalo ang Brazil sa second round noong 1974 (2-1) at 1982 (3-1) habang nauwi sa scoreless draw ang pagtutuos sa second round noong 1978, ang taon na ang Argentina ang host at nagkampeon sa torneo.

Ang natatanging panalo ng Argentina ay sa round-of-16 noong 1990 sa Italy sa 1-0 iskor. Nasa Argentina pa noon sina Diego Maradona at Claudio Caniggia.

BRAZIL

CLAUDIO CANIGGIA

DIEGO MARADONA

LUIZ FELIPE SCOLARI

NASA ARGENTINA

PERO

SA SAO PAULO

SCOLARI

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with