Orcollo, Biado sumasargo pa sa China Open
MANILA, Philippines - Inokupahan na nina Filipino cue artists Dennis Orcollo at Carlo Biado ang puwesto sa main draw sa China Open 9-Ball men’s tournament na ginagawa sa Pudong Yuanshen Stadium sa Shanghai, China.
Na-grupo si Orcollo sa Group F at tinalo niya sina Mateusz Sniegocki ng Poland, 9-2, bago isinunod si Ralf Souquet ng Germany, 9-4.
Hindi naman nagpaiwan ang stablemate sa Bugsy Promotions na si Carlo Biado na kinalos sina Hajato Hijikata ng Japan, 9-6, at Mohamed Alhosani ng United Arab Emirates, 9-7, para umabante galing sa Group E.
Ang nagdedepensang kampeon na si Lee Van Corteza ay nakalusot kay Takhti Zarekani ng Iran, 9-8, at nakikipagtagisan pa kay Liu Haitao ng host China para sa upuan sa main draw mula sa Group H.
Isa naman kina Warren Kiamco at Jeffrey Ignacio ang uusad galing sa loser’s bracket ng Group C dahil sila ang magkatapat sa isang puwesto sa loser’s side.
Nanalo si Ignacio kay Alejandro Carvajal ng China, 9-8, pero natalo kay Mika Immonen ng Finland, 9-3, habang si Kiamco na natalo sa unang laban kay Wang Can ng China, 3-9, ay nanatiling palaban matapos sibakin si Meshaal Turki Al Ali ng Qatar, 9-2.
Umabot sa 64 ang manlalarong sumali sa kompetisyon at ang 32 manlalaro, tig-dalawa sa winner’s at loser’s side ang papasok sa knockout round.
Palaban naman si Rubilen Amit pero delikado ang katayuan ni Iris Ranola sa women’s division.
Nag-bye sa unang round, nanaig si Amit kay Akimi Kajatani ng JaÂpan, 7-2, para itakda ang tagisan nila Chichiro Kawahara ng Japan para sa puwesto sa Last 16 knockout round mula sa Group E.
Nabigo agad si Ranola sa kanyang unang laban sa Group C kontra kay Qiuyue Ren ng China, 7-6, para malaglag sa one-loss bracket.
- Latest