Spurs pinalamig ang Heat, kinubra ang game 1 ng Finals
MANILA, Philippines – Tumipa ng 11 puntos, kabilang ang tatlong three points, sa final quarter si Danny Green upang trangkuhan ang come-from-behind victory ng San Antonio Spurs kontra sa defending champion Miami Heat, 110-95, sa Game 1 ng NBA Finals sa AT&T Center ng San Antonio.
Hindi naman maabot ng Spurs ang panalo kung hindi gumawa ang mga beteranong sina Tim Duncan, Tony Parker at Manu Ginobli na umukit ng 21, 19 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nasayang naman ang 25 points ni dating MVP Lebron James na nawala sa huling bahagi ng laban matapos pulikatin.
Tangka ng Spurs na kunin ang 2-0 lead sa Lunes, habang susubukan naman ng Heat na maipantay ang serye na maaaring abutin ng pitong laban.
- Latest

















