Legacy nakataya sa NBA finals
SAN ANTONIO--Noon pang 1998 huling nagkaroon ng rematch sa NBA Finals at ito ay kinatampukan ng Chicago Bulls at Utah Jazz na napagwagian ng koponang pinangungunahan ni Michael Jordan.
Labing-anim na taon ang nakalipas, magaganap ang pagkikita uli sa Finals sa ikalawang sunod na taon sa pagitan ng Miami Heat at San Antonio Spurs.
Nangunguna sa Heat ang itinuturing Jordan sa kapanahunang ito na si LeBron James at ipinaÂlalagay na paborito ang Heat para kunin ang ikatlong sunod na titulo sa apat na sunod na taon na umabot ang koponan sa Finals.
Pero hindi nagkukumpiyansa si James sa tsansa ng Heat na makadalawang sunod sa Spurs at alam niyang kailangan nilang pagharian ang bawat laro para maipanalo ito.
Tandang-tanda niya ang nangyari noong 2013 na kung saan umabot ang serye sa deciding Game Seven para masungkit ng Heat ang titulo.
“If you look at the numbers, the lead changes, the ties and the points in that series, it’s almost even,†wika ni James. “Both teams put themselves in a position to win an NBA championship, and we just happened to make one or two more plays to win it.â€
Ang pangunahing manlalaro ng Spurs na si 7’1 center Tim Duncan ay hindi nakakalimutan ang sakit ng pagkatalo sa nakaraang pagtutuos.
Kaya naman nakikita niya na mas handa ang koponan para balikan ang Heat at patingkarin pa ang mga huling taon sa liga hindi lamang para sa kanyang career kundi pati sa mga kakamping sina Tony Parker at Manu Ginobili.
“I have a very good memory, especially for my misses and losses. You keep those, you learn from them and you hope to change them next time,†pahayag ni Duncan.
Sisimulan ang best-of-seven title series ngayon sa San Antonio at inaasahang magiging balikatan ito dahil mahalaga para sa magkabilang koponan ang makauna sa serye.
Ang San Antonio ang may best record matapos ang regular season kaya sila ang may home court advantage sa Heat sa kabuuan ng labanan.
Bisita man sa unang dalawang laro at kung aabutin, sa huling Game Seven, hindi natitinag si James sa kakayanan ng Heat na bigyan ng matinÂding laban ang Spurs para mapaganda ang serye.
“You hope it’s going to be a great series for both teams’ sake, for the fans that love our game. You hope it can be one of the great finals appearances,†dagdag ni James.
- Latest






















