Beermen binawian ang B-Pier
MANILA, Philippines - Bumangon ang San Miguel Beer mula sa 17-point deficit sa seÂcond period para resbakan ang Globalport, 102-99, sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Humugot si 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng 14 sa kanyang 18 points sa pagbangon ng Beermen sa third quarter para ipalasap sa Batang Pier ang pangatlong sunod nitong kamalasan.
Humakot si Fajardo ng career-high na 27 rebounds bukod pa sa 26 points at 4 shotblocks, habang umiskor si import Reggie Williams ng 23 markers.
Kinuha ng Globalport ang 57-40 bentahe sa seÂcond period mula sa basket ni Ronnie Matias bago bitbitin ang 60-44 kalamaÂngan sa halftime.
Kumamada naman si Santos kasama si Williams para idikit ang San Miguel Beer sa pagtatapos ng third quarter, 81-82, bago kunin ang 93-91 bentahe sa 4:31 ng final canto buhat sa drive ni Sol Mercado.
Tuluyan nang nakalayo ang Beermen sa 98-91 matapos ang ratsada nina Williams at June Mar FajarÂdo sa huling 2:47 ng laro.
Samantala, maghaharap naman ngayong alas-5:45 ng hapon ang Air21 at ang Meralco kasunod ang banggaan ng Alaska at Rain or Shine sa alas-8 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City. (RCadayona)
San Miguel Beer 102 - Fajardo 26, Williams 23, Santos 18, Mercado 10, Kramer 7, Tubid 6, Lanete 6, Lutz 6, Maierhofer 0, Duncil 0, Chua 0.
Globalport 99 - Lowhorn 38, Washington 14, Cabagnot 13, Romeo 11, Menk 6, Lingganay 5, Yee 4, Matias 2, Ponferada 2, Hayes 2, Salvador 2, Garcia 0.
Quarterscores: 24-27; 44-59; 81-82; 102-99.
- Latest