^

PSN Palaro

Isa pang youth triathletes nabigyan ng tiket sa YOG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang isang buwang pagsasanay na ginawa ni Vicky Deldio sa Portugal nang makam­tan niya ang puwesto sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa Agosto.

Ang 16-anyos tubong Olongapo City ay naorasan ng isang oras, 11 minuto at 30 segundo at sapat ito para kunin ang ikalimang puwesto sa Youth Girls division na pinaglabanan sa distansyang 750-m swim, 20-km bike at 5-km run.

Tanging si Deldio lamang ang isinali ng Triath­lon Association of the Philippines (TRAP) sa kompetis­yong nagbigay ng biyahe sa YOG sa Nanjing sa mga mangungunang limang triathletes sa Youth Girls at Boys.

Ang ibang bansa ay may tig-dalawang lahok pero isa lamang ang papasok kung sakaling dalawa ang nalagay sa unang limang puwesto.

Sumali rin ang China pero hindi na sila kasali sa puwesto para sa YOG dahil binigyan na sila ng isang lalaki at babaing triathle­tes bilang host ng kompetis­yon.

Bago lumaban, si Deldio ay pinagsanay ng isang buwan sa Portugal sa ilalim ni Olympic coach Sergio Santos.

Sina Justin Chiongbian at Jose Nobles IV, na nakasama ni Deldio sa Portugal ay hindi pinalad na nakaabante sa YOG.

Minalas na natumba si Chiongbian sa unang ikot sa dalawang loop sa run leg. Nagkaroon siya ng sugat sa hita at wrist at hindi nagawang tumapos sa karera.

Si Nobles ay nalagay sa ika-16th puwesto sa 1:06:57 oras.

Tumulong sa pagsasa­nay at pagsali ng koponan ang Philippine Sports Commission (PSC).

 

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DELDIO

JOSE NOBLES

NANJING

OLONGAPO CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SERGIO SANTOS

SI NOBLES

YOUTH GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with