Time for revenge! Spurs-Heat muling maghaharap sa NBA finals
OKLAHOMA CITY--Hinarap ng San Antonio Spurs ang ‘Father Time’, ang league MVP at ang injury sa isa sa pinakamahusay nitong player para makabalik sa NBA Finals.
Tinalo ng Spurs ang Oklahoma City Thunder, 112-107, sa overtime sa Game 6 ng Western Conference Finals para itakda ang kanilang rematch ng Miami Heat.
Ang San Antonio ang tatayong host ng Game 1 sa Huwebes at pipiliting makaganti sa kanilang kabiguan noong nakaraang taon.
Angat ang San Antonio sa Miami, 3-2, bago naisuko ang Game 6 sa overtime at ang Game 7.
“People keep talking like we weren’t close to winning, but we were ready to win last year,†sabi ni Spurs center Tim Duncan.
Nagposte si Duncan ng 19 points at 15 rebounds, habang umiskor si Boris Diaw ng 26 points at may 15 si Manu Ginobili para sa Spurs.
Tinalo ng San Antonio ang Oklahoma City bagama’t hindi nakalaro si All-Star point guard Tony Parker sa second half at overtime dahil sa kanyang left ankle injury.
Kumamada naman si Russell Westbrook ng 34 points, 8 assists, 7 rebounds at 6 steals, habang may 31 points si MVP Kevin Durant para sa Thunder.
Napuwersa ang Oklahoma City sa 20 turnovers na nagresulta sa 33 points ng San Antonio.
Sina Westbrook at Durant ay may tig-7 turnovers.
Nalimitahan din ng Spurs si defensive star Serge Ibaka na tumulong sa Thunder para makuha ang dalawang sunod na panalo at makatabla sa 2-2.
- Latest