^

PSN Palaro

Pinoy paddlers sumagwan ng gold at silver sa China

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakasungkit ng isang ginto at isang pilak ang inilahok na koponan ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) sa idinadaos na 11th Asian Dragon Boat Championships sa Macau, China.

Kuminang ang men’s team sa 200-meter small boat category na pinag­labanan kahapon nang nakapagsumite ng pinakamabilis na oras na 2 minuto at 4.486 segundo.

Tinalo ng koponan ang lahok ng China na mayroong 2:05094 at Thailand sa 2:05.706 para sa silver at bronze medals.

Ang Indonesia (2-­ :­07.­94), Chinese Taipei (2:­08.186) at Singapore (2:13.332) para makumpleto ang datingan ng anim na sumali sa final round.

Nauna rito ay nakakubra ang mixed team na inilaban sa 200-m standard boat category ng tanso.

May 46.682 tiyempo ang PDBT team para pu­mangalawa sa China na may mas mabilis na 46.248.  Ang Chinese Taipei ang pumangatlo sa karera sa 46.864 oras.

May 13 bansa na kasapi ng Asian Dragon Boat Federation ang nagtatagisan sa tatlong araw na kompetisyon.

Mahalaga para sa PDBF na pinangungunahan ni Marcia Cristobal ang karerang ito dahil bahagi ito sa paghahanda ng koponan sa pagsali sa 1st Dragon Boat World Cup na gagawin sa Fuzhou, China.

Ang Pilipinas ay imbitado sa kompetisyong may basbas ng IDBF at ito ay gagawin mula Hunyo 9 hanggang 13.

 

ANG CHINESE TAIPEI

ANG INDONESIA

ANG PILIPINAS

BOAT

CHINESE TAIPEI

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

DRAGON BOAT WORLD CUP

MARCIA CRISTOBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with