Azkals kinapos ng sipa sa palestine
MANILA, Philippines - Nalusutan ni Ashraf Nu’man ang mahusay na Azkals goalie na si Roland MuÂller gamit ang kanyang free kick para itulak ang Palestine sa 1-0 panalo laban sa Pilipinas sa AFC Challenge Cup Finals noong Sabado ng madaÂling araw sa National Football Stadium sa Maldives.
Nabigyan ng free kick si Nu’man sa 59th minute matapos pituhan ng foul si Jason de Jong. Pinalobo ng pambatong striker ng Palestine ang sipa sa bola para hindi maabot ng mga kamay ni Muller.
Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Pilipinas na makatabla pero tunay na mahusay ang captain at goal keeper ng Palestine na si Ramzi Saleh na kinumpleto ang di pagbibigay ng puntos sa mga kalaban sa kompetisyong ito.
Ito ang ikaapat na goal sa torneo ni Nu’man para lumabas bilang naÂnguÂngunang scorer ng kompeÂtisyon habang ang kakamping si Murad Ismail Said ang kinilala bilang Most Valuable Player.
Ang panalo ang nagbigay sa Palestine ng kauna-unahang titulo at sila ang umabante sa Asian Cup sa Australia mula Enero 19 hanggang 31, 2015.
Nakontento na lamang ang Pilipinas sa pilak na medalya na pinakamataas din matapos pumangatlo noong 2012.
Sa nasabing edisyon, tinalo ng Azkals ang Palestine, 4-3, pero mas malaki ang iniunlad ng nasabing katunggali na binigyan ng pagkilala ng FIFA noon lamang 1998.
“It was a tough game. The boys played hard and played good and I am proud of everyone who was in the team. We had a good tournament, we just didn’t get the final result we were looking for,†wika ni German/American Azkals coach Thomas Dooley.
Nakikita rin ni Dooley na malaki ang potensyal ng koponan na kuminang sa mga darating pang kompetisyon pero dapat na maghanap pa ng mga batang manlalaro upang mas lalo pang tumibay koÂponan.
- Latest