Thunder, Spurs tabla sa 2-2 westbrook nagpasiklab sa panalo
OKLAHOMA CITY, Philippines - Kumolekta si guard Russell Westbrook ng 40 points, 10 assists at 5 steals para paÂngunahan ang Thunder sa 105-92 panalo sa San Antonio Spurs at itabla sa 2-2 ang kanilang Western Conference Finals series.
Itinabla ng Thunder sa 2-2 ang kanilang best-of-seven series ng Spurs matapos bumangon mula sa 0-2 pagkakabaon.
Ang San Antonio ang mamamahala sa Game 5 sa Huwebes.
“Coach told us he needed maximum effort from us tonight, and it starts with me at point guard,’’ sabi ni Westbrook. “My job is to play both sides of the ball. If you want to win a championship, those are things you have to do.’’
Ito ang tumabla sa second-highest playoff point total ng career ni Westbrook at nabigong duplikahin ang kanÂyang 43 markers na kanyang iniskor noong 2012 NBA Finals.
Ang kanyang dynamic athletic ability ang nagbibigay sa kanya ng napakataas na kumpiyansa na nagiging resulta ng mga ill-advised shots.
Ngunit sa Game 4 lahat ng tama ay ginawa ni Westbrook.
Naglista siya ng 50 percent fieldgoals shooting at tumira lamang ng limang 3-pointers bukod pa sa perÂpektong 14-of-14 clip sa free throws line.
Nag-ambag si Kevin Durant ng 31 points, ang kanyang ikalawang highest-scoring game sa serye matapos malimita ang NBA’s leading scorer sa 22.7-point average sa unang tatlong laro.
Humakot naman ang nagbabalik na si Serge Ibaka ng 9 points at 8 rebounds para sa Thunder.
Nagposte si Boris Diaw ng 14 points at 10 rebounds para sa Spurs, habang may 14 markers si Tony Parker.
Noong 2012 ay isinuko ng San Antonio ang 2-0 abante laban sa Oklahoma City.
At posibleng muling malasap ang 2-4 kabiguan sa kanilang serye ngayong season.
- Latest