^

PSN Palaro

Isa na lang sa Heat: James, Bosh humataw para sa 3-1 abante

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Isang panalo na lamang ang kailangan ng Miami Heat para makalapit sa isa pang Eastern Confe­rence title.

Kumolekta si LeBron James ng 32 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Chris Bosh ng 25 points para talunin ang Indiana Pacers, 102-90, sa Game 4 at kunin ang 3-1 kalamangan sa kanilang serye.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 15 points at hindi na nilingon ng Heat ang Pacers matapos umabante ng 23 points.

“We try to get better every single day, every single game,’’ sabi ni James. “When you do that and go out and play the type of game that you are capable of playing, you can be satisfied with the results. And that’s what we’ve built over the years.’’

Tanging ang prangkisa lamang ng Boston Celtics at LA Lakers ang nakaabante sa NBA Finals sa apat na sunod na seasons.

May tatlong tsansa ngayon ang Heat para makasama sa grupo ng Celtics at Lakers sa pamamagitan ng panalo sa Game 5 sa Indiana sa Miyerkules.

Umiskor si Paul George ng 23 points at humakot si David West ng 20 points at 12 rebounds para sa Pacers, nakahugot ng 15 points kay George Hill.

Nalimitahan si Lance Stephenson sa 9 points, samantalang ang 7-foot-2 center na si Roy Hibbert ay hindi nakaiskor sa loob ng 22 minuto.

Naipanalo ng Heat ang huling tatlong laro ng kanilang serye.

Nagwagi naman ang Pacers sa dalawang elimination games sa first round laban sa Atlanta Hawks at kailangan ngayong manalo ng tatlong sunod kontra sa Heat.

Ang Miami ay may 8-0 record sa mga laro sa Game 5 sa nakaraang apat na postseasons.

vuukle comment

ANG MIAMI

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

CHRIS BOSH

DAVID WEST

DWYANE WADE

EASTERN CONFE

GEORGE HILL

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with