^

PSN Palaro

Donaire walang nakikitang problema sa kanyang lakas at bilis vs Vetyeka

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan ang eksplosibong bakbakan sa pagitan ni WBA featherweight champion Simpiwe Vetyeka at Filipino challenger at three-division world champion Nonito Donaire Jr. sa Sabado sa Cotai Arena sa Macau, China.

Ito ay dahil parehong nasa magandang timbang na ang dalawa ilang araw pa bago gawin ang laban.

Parehong nasa Macau na sina Vetyeka at Donaire at iniulat na ang dalawang boksingero ay nasa 128 pounds na o lampas lang ng dalawang pounds sa weight limit na 126.

“One thing I am prepa­red to say is that I will come back home with the WBA super belt,” ani  Vetyeka.

Kinilala niya ang husay ni Donaire at ang kinatatakutang left hook nito na ilang beses niyang ginamit para patulugin ang mga nakalaban.

“But we have a plan,” paniniyak pa ng kampeon.

Si Donaire na nasa 140-pounds noong naka­raang buwan ay nagpapa­kondisyon na lamang at hinihintay ang takdang la­ban.

Ang ama na si Nonito Sr. ang siya niyang na­ging trainer sa laban  pero nakikita niyang mahalagang tao sa camp ay ang strength and conditioning coach na si Nick Curson.

Walang nakikitang prob­lema rin si Donaire sa kanyang lakas at bilis na siyang susi para manalo kay Vetyeka.

Ang press conference ng labang tinaguriang ‘Featherweight Fury’ na handog ng Top Rank ay sa Huwebes habang ang official weigh-in ay kinabukasan gagawin.

 

COTAI ARENA

DONAIRE

FEATHERWEIGHT FURY

MACAU

NICK CURSON

NONITO DONAIRE JR.

NONITO SR.

SI DONAIRE

VETYEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with