Lady Tams pinalakas nina Daquis at Gonzaga
MANILA, Philippines - Walang nag-akala na makakaya ng FEU Lady Tamaraws ang manalo ng titulo sa Shakey’s V-League.
Hindi lamang dahil hinÂdi pa ito nakakatapat sa Finals sapul nang sumali sa liga, nagtala rin ng 2-3 karta ang koponan matapos ang elimination round.
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang kunin ang serbisyo nina Rachel Ann Daquis at Jovelyn GonÂzaga para maging baÂgong imports ng FEU.
“Noong unang pumaÂsok sila, talagang na-star-struck kami dahil ang gaganÂda nila at magagaling pa,†ani setter Yna Papa.
Pero ang mahusay na coach na si Shaq delos Santos ay nagawang i-focus ang isipan sa laro para hindi mawala ang angking galing ng mga bata pero mahuhusay na FEU players.
Nagbunga ang bagay na ito dahil hindi umasa ang koponan sa dalawang imports.
Ang nangyari, nanalo ang FEU sa anim sa huÂling pitong laro na kanilang tinuldukan ng 2-0 sweep sa naglalakihan at nagdeÂdepensang kampeon na National University.
Bagamat sina Daquis at Gonzaga ang siyang nagdala sa koponan, hindi rin nila sinolo ang kredito sa makasaysayang pagtatapos ng Lady Tamaraws dahil aminadong naroroon din ang kinang nina Papa, Bernadette Pons, Mary Joy Palma, Geneveve CasuÂÂgod at libero Christine Agno.
“Ang maganda sa mga batang ito ay good listeners sila. Hindi sila nagreklamo minsan sa mga ipinagaÂgawa namin. Walang sisihan din sa team na ito at walang attitude ang mga batang ito,†pagpupugay ni Gonzaga na nakatikim ng kauna-unahang titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Lilipat na ng ibang liga sina Daquis at Gonzaga habang ang FEU ay magpapatuloy ng paghahanda para sa UAAP.
- Latest