^

PSN Palaro

Trainer ni Juan Ma inayawan na ang ika-5 laban kay Pacman

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang nakikitang sustansya si Nacho Beristain sa ikalimang pagkikita sa pagitan nina Juan Manuel Marquez at Manny Pacquiao.

Kaya hindi niya pahihin­tulutan si Marquez na tanggapin ang inaalok na laban kontra kay Pacquiao ng Top Rank.

“I do not care who is anger but I will do everything possible to prevent Juan Manuel Marquez from stepping in the ring with Pacquiao for a fifth time,” wika ng batikang  Mexican trainer sa Boxingscene.

Sapat na umano ang apat na pagtutuos na kung saan ang huling laban noong 2012 ay nauwi sa  sixth round knockout win sa four-division world champion ng Mexico laban sa Pambansang kamao.

Si  Marquez ang sinisilip ni Bob Arum na itapat kay Pacquiao sa pangala­wang laban nito sa Nobyembre matapos ang unanimous decision panalo kay Mike Alvarado noong nakaraang Sabado.

Ang  naganap na laba­nan ay isang eliminator para sa tatayong challen­ger sa WBO welterweight division na hawak uli ni Pacquiao matapos ang una­nimous decision panalo sa dating kampeon at walang talong si Timothy Bradley.

Nasabi na ni Marquez na gagawin niya ang lahat para maisakatuparan ang pangarap na maging kauna-unahang Mexicano na humawak ng titulo sa limang magkakaibang dibisyon ngunit puwede namang mangyari ito nang hindi nilalabanan uli si Pacquiao, ani Beristain.

Naunang sinabi ni Arum na numero uno sa listahan sa posibleng makaharap ni Pacquiao si Marquez pero puwedeng mabago ito dahil marami siyang puwedeng ipalit.

Tinuran ni Arum na ang magandang samahan uli nila ni Oscar De La Hoya ang nagbubukas sa isa pang opsyon para kay Pacman na labanan ang mga boxers sa kampo ng Golden Boy Promotions.

Pahinga muna si Marquez at kakausapin pa niya ang kanyang handlers para makapagdesisyon.

 

BOB ARUM

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MIKE ALVARADO

NACHO BERISTAIN

OSCAR DE LA HOYA

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with