^

PSN Palaro

Spurs hiniya ang Ibaka-less Thunder Duncan gumana

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Ku­ma­mada si Tim Duncan ng 27 points at sinamantala ng San Antonio Spurs ang hindi paglalaro ni Serge Ibaka para gibain ang Oklahoma City Thunder, 122-105, sa Game 1 ng kanilang Wes­tern Conference Finals.

Nagdagdag si Manu Ginobili ng 18 points at may tig-16 sina Kawhi Leonard at Danny Green para sa Spurs.

Hindi naman nakaapek­to kay Tony Parker ang kan­yang hamstring injury nang magtala ng 14 points at 12 asssists.

Umiskor si Kevin Durant ng 28 points at may 25 si Russell Westbrook sa panig ng Oklahoma City.

Ang mga starters ng Thunder na sina Nick Collison, Thabo Sefolosha at Kendrick Perkins ay may pinagsamang 5 points.

Nahirapan ang Oklahoma City bunga ng hindi paglalaro ni Ibaka, hindi makikita sa aksyon sa postseason dahil sa isang calf injury na kanyang nalasap sa huling panalo nila sa Los Angeles Clippers.

Humakot ang San Antonio ng 66 points sa shaded lane.

Kaagad tumipa si Duncan ng 12 points sa first quarter dahil walang Ibaka ang Thunder.

Ito ang unang panalo ng Spurs sa Thunder ngayong season.

Humugot si Westbrook ng 12 points sa third quarter at walang tigil na iniwanan si Parker bago siya nadepensahan ng Spurs sa fourth period.

Nilimita ng Spurs bench sina Westbrook at Durant sa 7 points sa final quarter.

Ang layups ni Ginobili ang nagbigay sa San Antonio ng 89-82 bentahe sa pagsasara ng third period bago iwanan ang Oklahoma City sa 106-93 sa fourth quarter.

vuukle comment

CONFERENCE FINALS

DANNY GREEN

IBAKA

KAWHI LEONARD

KENDRICK PERKINS

KEVIN DURANT

OKLAHOMA CITY

POINTS

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with