4 na import magpapasiklaban ngayon sa Big Dome
MANILA, Philippines - Muling ipaparada ng Elasto Painters at Batang Pier ang mga balik-imports, habang itatampok naman ng Gin Kings at Express ang mga bagong pangalan sa 2014 PBA Governors’ Cup.
Ibabandera si 2011 PBA Best Import Arizona Reid, lalaÂbanan ng Rain or Shine ang Air21 ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang pagtatapat ng Barangay Ginebra at Globalport sa alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Itatapat naman ng Express, tinalo ng nagkamÂpeong San Mig Coffee MiÂxers sa semifinals round ng nakaraang PBA Commissioner’s Cup, si Dominique Sutton.
Iginiya ni Reid ang Elasto Painters sa semis ng 2013 PBA Governors’ Cup kung saan sila tinalo ng Mixers sa likod ni import Marqus Blakely.
Ito ang ikatlong pagkakataon na maglalaro ang 6-foot-4 na si Reid sa PBA.
Sa ikalawang laro, ibaÂbandera naman ng Gin Kings si Zaccheus Mason laban kay balik-import Leroy Hickerson ng Batang Pier.
Inilarawan ng bagong Ginebra coach na si Jeffrey Cariaso ang University of Tennessee-Chattanooga standout na si Mason bilang isang maliit na James Mays, import ng San Mig Coffee sa katatapos na Commissioner’s Cup.
Magbabalik naman ang 6’2 na si Hickerson sa PBA para sa Globalport matapos kumampanya sa panig ng Air21.
Ang top four ay aabante sa quarterfinals kung saan magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1, No. 2, No. 3 at No. 4 kontra sa No. 8, No. 7, No. 6 at No. 5 team, ayon sa pagkakasunod.
Ang semifinals at ang Finals ay parehong lalaruin sa best-of-five series.
- Latest