^

PSN Palaro

Azkals sisimulan ang kampanya vs Afghanistan

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MALE, Maldives--Kum­piyansa ang Philippine Azkals sa kanilang tsansa sa 2014 AFC Challenge Cup, magsisimula ngayon, para makapaglaro sa 2015 AFC Asian Cup sa Sydney.

“After our bronze medal in the last Challenge Cup and semifinal stints in the AFF Suzuki Cup, we felt we should be taking it to the next level,” sabi ni team manager Dan Palami.

Ngunit bago pangarapin ng Azkals na labanan ang title holder na Japan, dating kampeong Iraq at Gulf power Jordan sa  2015 Asian Cup sa Sydney ay dapat muna silang maghari sa AFC Challenge Cup.

Bubuksan ng Pinoy boo­ters ang kanilang kampanya sa pagsagupa sa Afghanistan.

Lalabanan ng Azkals ang Lions ngayong gabi sa Hithadhoo Stadium sa Addu City sa four-team Group B.

Matapos ang Afgha­nistan ay haharapin naman ng Azkals ang 174th-ranked Laos sa Huwebes.

Anim na beses tinalo ng mga Laotians ang mga Filipinos at dalawang ulit na nagtabla.

Tatapusin ng Azkals ang eliminasyon sa pagsa­gupa sa 156th-ranked Turk­menistan.

Sa 2013 Group E qualifiers ay natalo ang Green Men sa Azkals, 1-0.

Nabigo rin ang Azkals sa Turkmen sa semifinals ng 2012 Challenge Cup sa Nepal.

Positibo si ace striker Phil Younghusband sa tsan­sa ng Azkals sa torneo.

“I think we have a stronger team this time,” wika ni Younghusband.

 

ADDU CITY

ASIAN CUP

AZKALS

CHALLENGE CUP

CUP

DAN PALAMI

GREEN MEN

GROUP B

GROUP E

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with