^

PSN Palaro

Mga top seed umabante sa finals, balik sa normal ang NBA Playoffs

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY--Ma­tapos ang nakakahilong simula sa NBA playoffs --dramatikong mga laro sa Game 7, mga overtime games--nagbalik na sa normal ang postseason.

Umabante ang mga top seeds sa East at West sa conference finals.

Ang two-time defending champion Miami Heat ang naging pinakadominanteng koponan sa postseason kung saan isang beses lamang sila natalo.

Dumaan naman sa butas ng karayom ang top-seeded na Indiana Pacers papasok sa East finals rematch ng Heat.

Napuwersa naman ang San Antonio sa Game 7 bago sibakin ang Dallas Mavericks sa first round na sinundan ng paggiba sa Portland sa Game 5 ng semis para umabante sa West finals.

 Bumangon ang Oklahoma City mula sa 2-3 pagkakaiwan para talunin ang Memphis kasunod ang kanilang six-game series kontra sa L. A. Clippers.

Magsisimula ang East finals sa Linggo kung saan lalabanan ng Indiana ang Miami.

Ang West finals ay mag­bubukas sa Lunes sa pagitan ng Oklahoma City at San Antonio.

Hindi na sikreto ang kagustuhan ng Pacers na maitakda ang kanilang rematch ng Heat matapos matalo sa Game 7 noong nakaraang East Finals.

Tinalo naman ng Thunder ang Spurs, 4-2 noong 2012 West Finals.

At marami ang nagsa­sabing muli sanang tinalo ng Thunder ang Spurs noong 2013 kundi lamang nagkaroon ng injury si Russell Westbrook.

“There aren’t really any surprises,” ani San Antonio coach Gregg Popovic.

Hangad naman ng Heat, babanderahan ni Le­Bron James, ang ka­nilang ikatlong sunod na titulo.

Nagtala si James ng mga averages na 30 points at 7.1 rebounds sa playoffs.

“It’s the two best teams in the Eastern Conference,” sabi ni James sa kanilang pagsagupa sa Indiana. “It’s that simple. Both teams defend at a high level, both teams share the ball. Both teams get into the paint, and both teams have a desire to win.”

 

vuukle comment

ANG WEST

BRON JAMES

DALLAS MAVERICKS

EAST FINALS

EASTERN CONFERENCE

FINALS

GREGG POPOVIC

OKLAHOMA CITY

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with