Smart muling susuporta sa SarBay Fest
MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na taon ay muling susuportahan ng wireless leader na Smart Communications, Inc. (Smart) ang 2014 Sarangani Bay Festival para makatulong sa pagpapalaganap ng kamalayan sa ecological concerns na nakakapekto sa Sarangani Province.
Ang festival na inorganisa ng Sarangani provincial government ay nakatakda ngayon hanggang bukas sa Gumasa, Glan sa Sarangani Province.
Ang isa sa tampok sa festival na inorganisa rin ng Smart ay ang triathlon na tinawag na “Swim, Bike, Run for the Environmentâ€.
Ito ang unang triathlon race sa nakaraang pitong taon ng festival kung saan ang mga atleta ay lalangoy, magbibisikleta at tatakbo patungo sa finish line.
“This partnership with the Province of Sarangani highlights our commitment to work with the local government and partner-communities in promoting environmental conservation and sustainability on the face of global climate change,†sabi ni Ramon R. Isberto, ang Public Affairs group head ng Smart.
Ang triathlon event na idaraos sa Gumasa ay maghahamon sa kakayahan ng mga partisipante.
Ang Sarangani Bay ay isang 230-km stretch na baybayin na hindi lamang pinagkukunan ng yamang-dagat kundi pati isang sentro ng marine eco-tourism sa bansa.
- Latest
- Trending