^

PSN Palaro

Manila Bay Clean-Up Run registration nagsimula na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ika-apat na Manila Bay Clean-Up Run na gaganapin sa ika-13 ng Hulyo.

Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa  3K, 5K, 10K, at  21K dibisyon na panlalaki at pambabae.   Mag­kakamit ng medalya at  cash prizes ang magwawagi sa bawat kategorya. 

Maari nang magpalista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City, at simula sa ika-24 ng Mayo, puwede na rin sa Planet Sports (Trinoma), Athlete’s Foot (Alabang Town Center),  at ROX (Bonifacio Global City Taguig).

Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kungdi maging mga ilog, estero, at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito.  Ang fun run ay isa lamang sa mga pro­yek­tong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga pangangailangan ng programa.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaring tawagan ang Runners Link sa telepono bilang 482.5143 o kaya  0916.205.2787.

ALABANG TOWN CENTER

BONIFACIO GLOBAL CITY TAGUIG

LAND BANK

MANILA BAY CLEAN UP RUN

MANILA BAY CLEAN-UP RUN

MANILA BROADCASTING COMPANY

PASAY CITY

PLANET SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with