^

PSN Palaro

Ang Ahas ni Nietes

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May kamandag pa ang ahas ni Donnie Nietes.

Sa edad na 32-anyos ay nagpakita ng kakaibang bangis ang Pinoy na boksingero nu’ng Sabado ng gabi sa MOA Arena nang bugbugin at patumbahin niya si Moises Fuentes ng Mexico.

Mas bata at mas matangkad si Fuentes na nangakong tatalunin si Nietes sa rematch ng kanilang laban na nauwi sa draw noong isang taon sa Cebu.

Kampante si Fuentes nang sabihin niyang iuuwi niya ang WBO light flyweight title ni Nietes sa kanyang pag-uwi sa Mexico.

Pero hindi natinag ang ating kababayan na tubong Murcia sa Negros Occidental.

“Magkamatayan muna kami,”ang sagot ni Nietes.

Nangamba ako ng konti sa mga unang rounds nang tumama ang mga body punches ni Fuentes.

Tila ininda ni Nietes ang mga tama sa kanyang tagiliran.

Pero humanap lang pala ng timing si Nietes.

Binira rin niya sa katawan si Fuentes at pansin na pansin na nasasaktan ito.

Hindi siya nilubayan ni Nietes, at sa tuwing titiklop ang kanyang katawan ay sa ulo naman ang puntirya ni Nietes.

Tatlong beses tumumba si Fuentes sa ninth round kung saan natapos ang laban.

Nagtatatalon sa loob ng ring si Nietes at ang kan­yang mga trainers.

Nanatili siyang kampeon sa 108 lbs division.

Halos sampung taon na hindi natatalo si Nietes at kung mananatili siyang kampeon sa katapusan ng taon ay lalampasan na niya ang record ni Gab­riel ‘Flash’ Elorde.

World champion si Elorde ng pitong taon at tat­long buwan.

Ilang buwan na lang ang kailangan ni Nietes pa­ra malampasan ito.

May mga nagsabing ubos na si Nietes.

“Wala na silang ma­sa­sabi ngayon,” sabi ng ating kampeon.

Kaya mo ‘yan, Donnie!

Birthday nga pala ni­ya kahapon.

Maligayang bati champ.

BINIRA

DONNIE NIETES

ELORDE

FUENTES

MOISES FUENTES

NEGROS OCCIDENTAL

NIETES

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with