^

PSN Palaro

Lady Bulldogs pasok sa Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang solidong paglalaro ng magkapatid na Dindin at Jaja Santiago para makapasok ang nagdedepensang National University sa Finals sa bisa ng 25-21, 25-22, 25-19 panalo sa University of Sto. Tomas sa Shakey’s V-League Sea­son 11 First Conference se­mifinals kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Tig-14 puntos ang ginawa nina Dindin at Jaja, ha­bang si Carmina Aganon ay may 12 puntos para ma­kapagdo­mina ang Lady Bulldogs patungo sa 2-0 sweep sa Tigresses sa kanilang serye sa ligang inorganisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s.

Ang tatlo ang nagtuwang sa paghahatid ng lima sa huling anim na puntos na pinaglabanan para manatiling matibay ang paghahabol sa ikalawang sunod na titulo sa ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mos­quito Coil.

Ang 6-foot-2 na si Dindin at Aganon ay nagsanib sa 21 kills, habang ang 6’4 na si Jaja ay may tig-dalawang blocks at service aces.

Sumandal naman ang FEU sa husay nina Bernadette Pons, Rachelle Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga para maitala ang 25-22, 25-23, 26-26 panalo sa Adamson Lady Falcons sa ikalawang laro.

Ang Game Three ay gagawin bukas para malaman kung sino sa FEU at Adamson ang makakatuos ng NU sa best-of-three championship series. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ANG GAME THREE

BERNADETTE PONS

CARMINA AGANON

DINDIN

FIRST CONFERENCE

JAJA

JAJA SANTIAGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with