Mixers lusot sa Texters para lumapit sa korona
MANILA, Philippines - Binuksan ng San Mig Coffee ang laro sa pamaÂmaÂgitan ng mainit na openÂsa.
At tinapos nila ito mula sa kanilang matibay na deÂpensa.
Itinakas ng Mixers ang 77-75 panalo laban sa TroÂpang Texters sa Game Three para makalapit sa pag-angkin sa titulo ng 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Itinaas ng San Mig Coffee sa 2-1 ang kanilang kaÂlamangan sa Talk ‘N Text sa best-of-five titular showÂdown nila.
Lumamang ang MiÂxers sa 23-9 sa first period bago naagaw ng Tropang TexÂters ang 75-71 sa huling 1:15 ng fourth quarter.
Isang 3-point play ni import James Mays kasunod ang jumper ni James Yap ang nagbigay sa San Mig Coffee ng 76-75 bentahe sa nalalabing 28 segundo.
Samantala, hinirang naÂman si Jayson Castro biÂlang Best Player of the ConÂference, habang si RiÂchard Howell ang kinilaÂlang Best Import.
San Mig Coffee 77 - Mays 20, Simon 17, Yap 13, Devance 10, Pingris 7, Sangalang 6, Barroca 2, Mallari 2, De Ocampo 0, Reavis 0, Melton 0.
Talk ‘N Text 75 - Castro 21, De Ocampo 18, CaÂnaleta 12, Howell 10, WilÂliams 5, Carey 5, ReÂyes Ryan 4, Reyes Rob 0, Aban 0, Fonacier 0, AlaÂpag 0.
Quarterscores: 25-15; 37-35; 60-56; 77-75.
- Latest