PSL All-Pinoy kick-off libre sa mga panatiko
MANILA, Philippines - Libre sa publiko ang panimulang araw ng Philippine Superliga (PSL) 2014 All-Filipino Conference na gagawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa Mayo 16 magbubukas ang unang handog ng PSL sa taon at ang mga magnanais na makakuha ng libreng tiket ay dapat tumungo simula ngayon sa tanggapan ng nagpapalarong Score sa Unit 220, Vito Cruz Tower 1, 720 Vito Cruz, Malate Manila (harap ng Philippine Sports Commission Building sa Rizal Memorial Sports Complex.
Puwede ring tumawag sa numerong 3533935 at hanapin si Angel.
“It’s our way of thanking the volleyball fans who trooÂped to our venues in all of the games we held last year,†wika ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara.
Tinuran ni Suzara ang matagumpay na edisyon ng Invitational Conference at Grand Prix na kinatampukan ng mga dayuhang imports ang nagtiyak na suportado ng tao ang volleyball tournament gamit ang club teams format.
“We promise to elevate our games further this year in keeping up with our theme ‘Ito ang Voleyball!’ dagdag ni Suzara.
Ang two-conference champion Philippine Army na susuportahan ngayon ng Generika Drugstore ang napaÂpaboran uli ngunit tiyak na bibigyan sila ng matinding hamon ng iba pang kasali.
Nangunguna na sa hahamon ang bagong koponang Air Asia Flying Spikers na binubuo ng manlalaro ng UAAP champion La Salle.
Ang iba pang kasali ay ang rookie team RC Cola-Air Force Raiders, PLDT Power Attackers, Cagayan Valley Lady Rising Suns at Systema Active Smashers.
Ipagpapatuloy din ng liga ang men’s division na aaniban ng Cignal, PLDT-Air Force, Instituto Estetica Manila at Pocari Sweat.
- Latest