^

PSN Palaro

So dinala sa draw ang laban para manatili sa itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumabla si GM Wesley So sa top seed na si Leinier Dominguez Perez ng Cuba upang manatiling nasa liderato sa Capablanca Memorial 2014 sa Habana Riviera Hotel sa La Havana, Cuba.

Umabot sa 42 moves ng Ruy Lopez ang tagisan at gamit ang itim na piyesa ay naitabla ng 20-anyos na si So ang laban sa pa­mamagitan ng perpetual check matapos makaalpas ang pawn ni Perez sa c-file.

Ang number 23 ranked na si So (2731) ay may dalawang puntos upang makasama si Zoltan Almasi ng Hungary sa unang puwesto matapos ang tatlong rounds.

Tinalo ni Almasi si se­cond seed Vassily Ivanchuk ng Ukraine sa 34 moves ng Two Knights game.

Si Dominguez Perez na nasa ika-10th puwesto sa mundo sa 2768 ELO ra­ting ay kapos ng kalahating puntos kina So at Almasi at kasalo ang kababayang si GM Lazaro Batista Bruzon sa ikalawang pangkat.

Si Bruzon ay naki­pag­hati ng puntos kay Spanish GM Francisco Vallejo-Pons sa 60-move ng Ruy Lopez.

 

ALMASI

CAPABLANCA MEMORIAL

FRANCISCO VALLEJO-PONS

HABANA RIVIERA HOTEL

LA HAVANA

LAZARO BATISTA BRUZON

LEINIER DOMINGUEZ PEREZ

RUY LOPEZ

SI BRUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with