^

PSN Palaro

Walk A Mile matagumpay na naidaos

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nai­daos ang Walk-A-Mile kahapon ng umaga bilang pakikiisa ng Pilipinas sa kampanya ng Incheon Korea na palawigin ang kaalaman sa gaganaping Asian Games sa Setyembre.

Nasa halos 600 atleta at sports officials ang nakiisa sa 1.6 milyang walkathon na nagsimula sa Rajah Su­layman Park at natapos sa Luneta Park.

Inorganisa ang kagana­pang ito ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC) at ito ay dinaluhan ng mga banyagang bisita na sina Vahid Kardany ng Iran at Son Sangjin ng Korea.

“Without the support of the POC and the NSAs, hindi matutuloy ito. Nandito tayong lahat para suportahan din ang campaign ng Team Philippines. We will be sending our best athletes and I’m confident we can win gold medals,” wika ni Garcia

Si Kardany ang kuma­t­awan kay OCA President Sheikh Al Sabah at si Sangjin, ang Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) media director, ay nasiyahan sa iniambag ng Pilipinas sa isinusulong na awareness campaign lalo pa’t papasok ngayon sa  huling 100-days bago magbukas ang Asiad.

“The Philippines has contributed a lot to sports and the Olympic Movement. It is here in Manila where the first Far East Asian Games was held in 1913, the precursor of the Asian Games. I wish Team Philippines all the best in the Asian Games and hope you rank high in the medal rankings,” wika ni Kardany.

Sa panig ni Sangjin, kanyang tiniyak na mabibigyan ng magandang pagtrato ang lahat ng delegasyon na sasali sa kompetisyong itinakda mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

 

ASIAN GAMES

FAR EAST ASIAN GAMES

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

INCHEON KOREA

LUNETA PARK

OLYMPIC MOVEMENT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with