PBA Commissioner’s cup finals simula na Cone aminadong dehado sa pagbangga sa Texters
MANILA, Philippines - Isa-isang tinalo ng Talk ‘N Text ang lahat ng kopoÂnan na nakaharap nila para makapasok sa PBA Finals.
Kinailangan naman ng San Mig Coffee na talunin ang Air21 sa Game Five ng semifinals series nila para umabante sa kanilang paÂngatlong sunod na Finals appearance.
Ito ngayon ay laban ng isang koponang nabigÂyan ng mas mahabang paÂhinga at panahong maÂkapaghanda kontra sa troÂpang dumaan sa butas ng karayom.
Sasagupain ng Tropang Texters ang Mixers sa Game One ng kanilang best-of-five championship wars ngayong alas-8 ng gabi para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos dominahin ang nine-game elimination round ay kaagad na sinibak ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 Barangay Ginebra sa kanilang quarterfinals match.
Sa semifinals ay winalis din ng Tropang Texters ang Rain or Shine Elasto Painters, 3-0, sa kanilang best-of-five series patungo sa PBA Finals.
“Three more to go,†sabi ni coach Norman Black sa hangarin nilang makamit ang korona. “That’s the goal right now, to win the championship.â€
Sinabi ni mentor Tim Cone na sila ang dehado sa serye dahil sa kapaguran.
“The schedule’s really, really challenging. This team hadn’t had a break,†ani Cone.“I really have to give tremendous amount of credit to our guys. I haven’t remember any schedules like this in the past.â€
Sa nag-iisa nilang pagÂhaharap sa torneo ay tinalo ng Talk ‘N Text ang San Mig Coffee, 81-75, noong Marso 31.
Nauna nang naglaban ang Tropang Texters at ang Mixers, dating B-Meg, sa best-of-seven title series noong 2012 Commissioner’s Cup Finals kung saan nanaig ang Llamados sa overtime sa Game 7 sa likod ni Best Import Denzel Bowles.
Huling nagkampeon ang Talk ‘N Text noong 2013 PBA Philippine Cup.
- Latest