^

PSN Palaro

Silver kumpiyansang mapupuwersa si Sterling na ibenta ang L.A. Clippers

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK -- Tila suportado rin ng mga NBA ow­ners ang kagustuhan ni Commissioner Adam Silver na wakasan ang pamamahala ni Donald Sterling sa Los Angeles Clippers.

Nagdaos ang adviso­ry/finance committee ng ka­nilang unang pulong kaugnay sa kaso ni Sterling dalawang araw matapos sabihin ni Silver na hihikayatin niya ang mga team owners na pi­litin si Sterling na ibenta ang Clippers.

Ang 10-member com­mit­tee ay nasagawa ng isang conference call para talakayin ang ‘’process for termination of Donald T. Ster­ling’s ownership of the Los Angeles Clippers,’’ sabi ni NBA executive vice president Mike Bass sa isang statement.

‘’The committee unanimously agreed to move for­ward as expeditiously as possible and will reconvene next week,” dagdag pa nito.

Pinatawan ni Silver si Sterling ng lifetime ban bukod pa sa multang $2.5 mil­yon dahil sa racist comments ng nasabing team ow­ner.

Ang ‘forced sale’ ay mangangailangan ng pag-apruba ng three-fourths ng 30 team owners.

Sinabi ni Silver na kumpiyansa siyang makakakuha siya ng boto.

Si Minnesota owner Glen Taylor ang pinuno ng committee na kinabibila­ngan nina Micky Arison ng Mia­mi, Jeanie Buss ng La­kers, Clay Bennett ng Okla­ho­ma City, James Dolan ng New York, Wyc Grousbeck ng Boston, Peter Holt ng San Antonio, Robert Sarver ng Phoenix, Herb Simon ng Indiana at Larry Tanenbaum ng Toronto.

Ilang malalaking pangalan na ang nagparamdam ng interes na bilhin ang Clippers na hawak ni Sterling mu­la pa noong 1981.

CLAY BENNETT

COMMISSIONER ADAM SILVER

DONALD STERLING

DONALD T

GLEN TAYLOR

HERB SIMON

JAMES DOLAN

LOS ANGELES CLIPPERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with