Spurs at Rockets nagposte rin ng panalo sa serye 3-2 lead sa Raptors
TORONTO -- Ang maÂtinding opensa ni Kyle Lowry ang nagbigay sa ToÂronto Raptors ng malaÂking kalamangan, habang ang kanyang matigas na depensa ang nagligtas sa kaÂnila.
Umiskor si Lowry ng caÂÂreer playoff-high na 36 points, kasama rito ang go-ahead 3-pointer matapos sayangin ng Toronto ang isang 26-point lead, paÂra igiya ang Raptors sa 115-113 panalo kontra sa Brooklyn Nets at angkiÂnin ang 3-2 bentahe sa kaÂnilang first-round series.
Ang depensa ni Lowry ang nagresulta sa turnover ni Andray Blatche sa kanyang pasa sana kay Deron Williams sa posesyon ng Nets.
Kumamada si DeMar DeÂRozan ng 23 points, haÂbang may 16 si Jonas VaÂlanciunas at may 15 si Greivis Vasquez para sa Raptors na maaaring taÂpusin ang kanilang serye ng Nets sa Game 6 sa BiÂyernes sa Brooklyn.
Ang mananalo sa serye ng Toronto at Brooklyn ang sasagupa sa two-time champions na Miami Heat, winalis ang kanilang laban ng Charlotte Bobcats, 4-0.
Tumipa si Joe Johnson ng 30 points kasunod ang 17 ni Mirza Teletovic sa panig ng Nets, umiskor ng 44 points sa kabuuan ng fourth quarter ngunit nabiÂgong lusutan ang Raptors daÂhil sa turnover.
Sa San Antonio, baÂgamat may sprained left anÂkle injury at ilang oras laÂmang nakatulog matapos isilang ang una niyang anak, dinala ni Tony Parker ang Spurs sa 109-103 panalo laban sa Dallas MaÂveÂricks para sa kanilang 3-2 kaÂlamangan sa serye.
Naglista si Parker ng 23 points at 5 assists para sa pagresbak ng San Antonio sa Dallas sa serye.
Kumamada si Manu Ginobili ng 19 points, habang nag-ambag si Tiago Splitter ng 17 points at 12 rebounds sa pagbawi ng Spurs ng home-court advantage konÂtra sa Mavericks.
Kumolekta si Tim Duncan ng 16 points at 12 rebounds at may 15 markers si Kawhi Leonard.
Tumapos naman si Dirk Nowitzki na may 26 points para sa Dallas.
Sa Houston, kumolekta si Dwight Howard ng 22 points at 14 rebounds, saÂmanÂtalang kumayod si JeÂremy Lin ng 21 points para pagÂbidahan ang 108-98 paÂnalo ng Rockets kontra sa Portland Trail Blazers para makadikit sa 2-3.
Ang basket ni Damian LilÂlard ang naglapit sa Trail Blazers sa 2 points baÂgo ang stepped back three-point shot ni James Harden para muling ilayo ang Rockets sa 103-98 sa huling tatlong minuto ng laro.
Nagtala si Harden ng 17 points at 7 assists.
- Latest