^

PSN Palaro

Lady Agilas ipagpapatuloy ang ratsada sa q’finals Lady Eagles, Lady Bulldogs hangad makalapit sa semis

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Arellano Lady Chiefs vs NU Lady Bulldogs

4 p.m. Davao Lady Agilas vs Ateneo Lady Eagles.

 

MANILA, Philippines - Tatlong koponan na may 1-0 karta ang magbabalak na lumapit sa puntiryang puwesto sa semifinal round sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

Mainitang laro ang matutunghayan sa ganap na alas-2 ng hapon sa salpukan ng nagdedepensang Na­tional University Lady Bulldogs at ng Arellano University Lady Chiefs.

Susundan ito ng pagtutuos ng UAAP champion na Ateneo Lady Eagles at ng baguhang Davao Lady Agilas sa alas-4 ng hapon.

Ang Lady Chiefs, Lady Bulldogs at Lady Eagles ay may 1-0 karta at ang makukuhang panalo ay maglalapit sa kanila sa tiket sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Nasa Group 2 ang Arellano at NU at angat sila dahil tinalo nila ang St. Benilde at FEU, ayon sa pagkakasunod, sa group elimination.

Sa kabilang banda, ang Ateneo ay nanalo sa Adamson sa elims para magkaroon ng 1-0 karta sa Group 2.

Babalik na sa Lady Bulldogs ang 6-foot-4 Jaja Santiago para makasama ang kapatid na si Dindin sa pag­da­dala ng laban kontra kina Danna Henson at Menchie Tubiera ng Lady Chiefs.

Si Alyssa Valdez ang inaasahang mangunguna sa Lady Eagles laban sa Lady Agilas na ginulat ang mga ma­nonood sa kanilang kahusayan.

Tumapos ang Davao taglay ang 4-1 karta pero sa yugtong ito ay may 0-1 karta sila matapos matalo sa UST.

Ang mahusay na teamwork at lakas sa pag-atake nina May Agton at Venus Flores ang huhugutan ng la­kas ng Lady Agilas para tumibay ang hangaring umabante pa sa ligang may ayuda ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil. (ATan)

vuukle comment

ANG LADY CHIEFS

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

DAVAO LADY AGILAS

LADY

LADY AGILAS

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with